ANG TUNAY NA RELASYON KAY KRISTO
2 COR 5:17 Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.
Sa natural na relasyon tayo ay laging may connection sa kanya na ating karelasyon. Lagi tayong nag te text o tumatawag sa kanya. Lagi tayong nakikipag usap sa kanya. Mas marami tayong ginugugol na oras at panahon sa ating karelasyon. Kaya kung minsan may nakakapagsabi pa sa iyo na kamukha ka na niya dahil sa madalas ninyong pagsasama.
Sa ating Espiritual ay gayon din dapat na kung tayo ay may relasyon sa ating Panginoong Jesus tayo ay dapat na maging katulad din niya.
Sa natural kung dati ang iyong pagmamahal sa iyong karelasyon ay kaunti lamang, habang ito ay tumatagal ay mas higit mo na siyang minamahal. Dahil kung hindi ito magiging mas higit kaysa nang una hahantong lamang ito sa pagkakasawaan at tuluyang mamamatay ang pagmamahal sa isa’t isa.
Ang relasyon kay Kristo dapat nating maingatan ang ating unang pag-ibig sa kanya. Dapat na kung paano natin siya iniibig noon, mas higit natin siyang iniibig sa paglipas ng mga araw at habang tumatagal, dapat tayo ay patuloy sa pag ibig sa ating Dios. Habang ikaw ay patuloy na nakikipagrelasyon sa Kanya dapat na nakikita mo sa iyong sarili na meron ka nang kabaguhan. Gaya ng ating texto na kung tayo ay may Kristo sa ating puso dapat na tayo ay bago ng nilalang. Kaya huwag nating pabayaan ang relasyon natin kay Kristo dahil ito ang maghahatid sa atin sa buhay na walang hanggan.
1. Makipag usap sa Dios--sa pamamagitan ni Kristo. Ang pakikipag usap sa pamamagitan ng ating pananalangin ang mas higit na maglalapit sa atin sa Dios dahil mas higit tayong nagkakaroon ng komunikasyon sa Kanya.
2. Pagbibigay ng Oras-- sa pagbabasa ng Biblia upang mas lalo natin siyang makilala, malaman ang kalooban Niya sa ating buhay.
3. Pananatili sa Kanya --ang pananatili kay Kristo tayo ay mas higit na dumidepende o nagtitiwala sa kanya.
4. Kilalanin pa natin Siya --sa pamamagitan ng padalo sa mga gawain ng Dios, kilalanin natin ang mga kapatid nating katulad natin na kinikilala din ang ating Panginoong Jesu Kristo
1.
Tunay na kabaguhan sa kanilang mga buhay.
2.
Pagiging kawangis o katulad ng ating
sinu-sundan walang iba kungdi ang Panginoong Jesus.
3.
Kung ano
ang puso niya ay gayon din naman ang puso natin.-- Mahalaga ang mga tao sa Dios, mahalaga ang mga tao sa ating Panginoong Jesu Kristo, kaya dapat tayo rin, makita natin ang kahalagahan ng mga tao upang ilapit natin
sila sa Dios.
4. Tayo ay lumalago sa ating spiritual na buhay. Wala tayong ninanais o ninanasa kungdi ang Dios at mga bagay ng Dios lamang, Katulad ng Panginoong Jesu Kristo.
Tayo ay magkaroon ng tunay na relasyon kay Kristo upang tayo ay makasama niya doon sa langit sa takdang kapanahunan at magkaroon
ng buhay na walang hanggan.

Purihin po ang Dios sa kaniyang kabutihan 😊continue to share the word of God. ❤️
ReplyDelete